HERMOSA, BATAAN – Mahigit P200,000 ang natangay mula sa isang convenience store sa Barangay Balsic matapos itong holdapin ng dalawang armadong suspek noong Pebrero 18, 2025.
Ayon sa CCTV footage, isang lalaki na nakajacket at may suot na helmet ang pumasok sa tindahan. Agad siyang naglabas ng pellet gun at patalim bago ideklarang holdap. Matapos kunin ang pera mula sa cash register at vault, tumakas ang mga suspek.
Sa isinagawang follow-up operation, natunton at naaresto ang dalawa sa bayan ng Dinalupihan, Bataan. Ayon kay Police Major Phoe Pangan Jr., ang mga suspek ay sangkot umano sa illegal drugs at sadyang tinatarget ang mga tindahang walang guwardiya.
Narekober mula sa kanila ang pellet gun, ngunit P8,000 na lang ang natirang pera. Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at mahaharap sa kaukulang kaso. RNT