Home NATIONWIDE Mga lider na makikiisa sa 48th ASEAN Summit 2026, mag-refocus sa usapin...

Mga lider na makikiisa sa 48th ASEAN Summit 2026, mag-refocus sa usapin ng energy security, krisis sa MidEast

99
0

MANILA, Philippines – Dahil sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagkaisa ang mga lider na mag-refocus sa agenda at isama sa talakayan ang energy security at unified response para mapagaan ang negatibong epekto sa individual member states.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, mahalagang bahagi din ng leaders meeting ang may kinalaman sa disaster resilience na naglalayong makalikha ng resilience strategy sa hanay ng member states sa rehiyon.

Binigyang halimbawa ni Gomez ng kaganapan sa kasalukuyan sa Albay kung saan ay nag- aalburuto ang Bulkang Mayon.

Aniya, mahalaga ang commitment ng ASEAN member states para sa collaborative framework ukol sa disaster resilience na magpapaunlad lalo sa community based warning system, rapid humanitarian response at tulong sa mga apektadong populasyon.

Sa kabilang dako, sinabi ni Gomez na nakatutuok din ang 48th ASEAN Summit 2026 sa ibang urgent geopolitical at economic challenges na kinahaharap ng Southeast Asia.

Muli aniyang tututukan ng Pangulo ang mga pinakamahalagang regional concerns,

Winika pa ni Gomez na ang agenda ay nakahanay sa ilalim ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakakonteksto sa State of National Energy Emergency, mayroong austerity measures na isinama sa summit preparations upang masiguro ang maingat na paggamit ng government resources habang pinananatili ang ganap na ‘kahandaan ng pagpapatakbo.

Winika pa nito na inaasahan na tatalakayin ng mga ASEAN leaders na pag-uusapan ang ‘coordinated responses’ sa tumataas na energy pressures at external shocks, kabilang na ang epekto ng tensyon sa Gitnang silangan ukol sa fuel supply stability at mas malawak na economic conditions sa ibang member states.

Tinuran pa ni Gomez na ang disaster resilience ay nananatiling major component ng talakayan, kasama ang mga member countries na nagtatrabaho sa mas malakas na pagttulungan hinggil sa early warning systems, mabilis na humanitarian response, at support mechanisms para sa mga komunidad na apektado ng natural hazards at climate-related events. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here