Sabay-sabay na nagmartsa ang mga kasapi ng KKAMPI at PAMALAKAYA mula Quezon Memorial Circle patungong Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture sa Quezon City.
Bitbit ang panawagang “ITAGUYOD ANG AMING KARAPATAN, KINSE KILOMETRO AMIN ITO,” iginiit ng grupo ang kanilang paninindigan para sa karapatan ng mga mangingisda at pangangalaga sa kabuhayan sa sektor ng pangingisda. | Danny Querubin