Home IN PHOTOS Mga namayapang haligi ng entertainment industry kinilala sa Senado

Mga namayapang haligi ng entertainment industry kinilala sa Senado

240
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Binigyang-pugay ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang apat sa mga pinakakilalang haligi ng entertainment industry sa bansa – Ricky Davao, Gloria Romero, Pilita Corrales, at Pambansang Alagad ng Sining Nora Aunor.

Nitong Miyerkules, Hunyo 4, 2025, pinangunahan ni Estrada ang seremonyang pagbibigay ng kopya ng mga resolusyon ng Senado sa mga pamilya nina Davao, Corrales, at Aunor, bilang pagkilala sa kanilang walang kapantay na ambag at artistikong pamana sa sining at kulturang Pilipino.

(c) Cesar Morales

Ang pagkilalang ito ay patunay ng pinakamataas na pagpapahalaga ng Senado sa panghabambuhay na kontribusyon ng mga naturang personalidad sa industriya ng libangan ng bansa. Cesar Morales

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here