Home NATIONWIDE Mga ninakaw na pondo sa flood control, pwede isoli – Ombudsman Remulla

Mga ninakaw na pondo sa flood control, pwede isoli – Ombudsman Remulla

76
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maaaring isauli na lang ng mga sangkot sa umano’y flood control corruption ang ninakaw na pondo bilang alternatibo sa kasong kriminal o administratibo.

Sa isang press conference nitong Martes, sinabi ni Remulla na bukas pa ang tinatawag na “restitution” o pagbabalik ng pera ng gobyerno.

“Hindi ko ho gusto magpakulong ng tao kaya lang wala tayong choice minsan. Pero kung merong way out, gamitin natin yung way out… Yung restitution, bukas pa ’yan,” ani Remulla.

Gumamit siya ng halimbawa ng cellphone upang ipaliwanag na kung maibabalik ang ninakaw, maaaring hindi na ituloy ang kaso.

“Tao lang tayo e. Kaya sabi ko restitution is always open. We can always talk about it and we can always agree if people are reasonable,” dagdag niya.

Gayunman, nilinaw niyang hindi papayagan ang “discounted” na pagbabalik ng pera.

“Basta iyong pinag-uusapan na halaga, walang tawaran. Hindi tayo magtatawaran dito,” aniya.

Ayon sa ulat, nakarekober na ang pamahalaan ng ₱611 milyon na cash at assets mula sa mga state witness sa flood control controversy.

Sinabi rin ng Ombudsman na target ng korte na maresolba ang mga kaso sa loob ng dalawang taon upang maiwasan ang matagal na pag-usad ng mga kaso.

Dagdag pa rito, nakatakdang magsampa ng plunder at malversation charges laban kina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva kaugnay ng umano’y flood control scam.

Patuloy ding nagsasampa ng mga kaso ang Ombudsman laban sa iba pang opisyal at kontratista na sangkot sa mga proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here