Manila, Philippines – Finally, darating na ang inaabangan ng mga followers ni Direk Ron Sapinoso.
Sa darating na Mayo 24, 2026, gaganapin ang exclusive painting exhibit ni Direk Ron sa Camelot Hotel kasabay ng 11th Inding-Indie Excellence Awards.
Bilang isang natatanging alagad ng sining na may cerebral palsy at founder din ng Inding-Indie Film Production, ang kanyang mga obra ay banal na manipestasyon ng kanyang pakikipagbuno at tagumpay laban sa mga hamon ng buhay.
Ang bawat hagod ng kanyang pinsel ay patunay na ang tunay na talento ay walang limitasyon at ang sining ay isang unibersal na wika ng kalayaan at pag-asa.
Hindi na bago ang pangalan ni Sapinoso sa mundo ng sining dahil ang kanyang mga gawa ay matagumpay nang naitampok sa Metropolitan Theater, Gateway Mall, Eurotel Manila, at maging sa bansang Germany.
Sa pamamagitan ng makikinang at matatapang na kulay, kakaibang texture, at lalim, ginagamit niya ang canvas upang isagisag ang lakas ng komunidad ng mga PWD at Neurodivergent. Ang pagmamay-ari ng kanyang painting ay nangangahulugan ng pag-angkin sa isang bahagi ng kanyang matatag na puso at pandaigdigang kalidad.
Ang bawat piraso sa koleksiyong ito ay sumasalamin sa limang pangunahing adbokasiya ng Inding-Indie, partikular na ang pagbibigay-dangal sa marginalized sectors.
Sa pamamagitan ng mga abstract at figurative na anyo, binibigyang-boses ng kanyang sining ang pakikibaka ng mga kababaihan, kabataan, kahalagahan ng mental health, at ang bayanihan sa mga maralita.
Ang kanyang mga dinamikong stroke ay may mataas na artistic value kung saan ang bawat pigment at espasyo ay may malalim na layunin at katotohanan.
Ang pagbili sa mga obra ni Direk Ron Sapinoso sa gabi ng unveiling ay isang pambihirang pribilehiyo at direktang pakikibahagi sa isang dakilang humanitarian movement.
Ang pondong malilikom ay gagamitin para sa PWD na si Sapinoso at para sa kanyang humanitarian advocacy na makabuo ng pag-asa na tahanan sa church.
Huwag palampasin ang chance na ito sa Mayo 24 sa Camelot Hotel upang magmay-ari ng isang “Sapinoso Original”—isang obra-maestrang simbolo ng marangyang panlasa at pusong tumutulong. JP Ignacio