Home NATIONWIDE Mga OFW na masasabit sa legal issues aasistihan ng DMW

Mga OFW na masasabit sa legal issues aasistihan ng DMW

MANILA, Philippines- Muling iginiit ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Biyernes na tutulungan ng gobyerno ang overseas Filipino workers (OFWs) sakaling maharap sila sa legal na problema sa ibang bansa.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ito ay sa pagpapaigting ng serbisyo sa OFWs at sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng Action Fund bukod sa iba pa, nagpapalawig ng legal, financial, medical, at humanitarian assistance.

Ayon kay Cacdac, ang DMW ay magpapaabot ng suporta nito sa lahat ng OFW sa buong mundo, anuman ang kanilang personal o paniniwalang politikal.

Noong nakaraang linggo, ibinasura ang mga kaso laban sa 17 OFW na inaresto sa Qatar noong Marso 28 dahil sa illegal assembly.

Napaulat na lumahok sa isang hindi awtorisadong protesta ang mga OFW bilang suporta kay Duterte. Jocelyn Tabangcura-Domenden