Home NATIONWIDE Mga palabas na ‘G’ at ‘PG’ lang pwede sa PUVs – MTRCB

Mga palabas na ‘G’ at ‘PG’ lang pwede sa PUVs – MTRCB

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Biyernes ang operators at drivers na tanging “G” (General Patronage) at “PG” (Parental Guidance) rated content ang pinapayagang ipalabas sa public utility vehicles (PUVs).

Inihayag ito ng MTRCB sa gitna ng inaasahang pagbiyahe ng mga Pilipino upang magdiwang ng Bagong Taon.

Sinabi nitong ang mga pelikulang ipinalalabas sa PUVs ay dapat angkop sa lahat ng manonood, partikular sa mga bata.

“Our commitment is to ensure that the content shown in PUVs is safe for all passengers, especially children traveling with their families. This is part of our larger responsibility to provide a safe, secure and enjoyable travel experience for everyone,” pahayag ni MTRCB chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio.

Hinihikayat ang publiko na iulat ang violators sa pamamagitan ng social media channels ng MTRCB: @MTRCBGov o via email sa [email protected]. RNT/SA