MANILA, Philippines – Mahigit 260 pamilya ang inilikas mula sa anim na barangay sa Zamboanga City dahil sa matinding baha dulot ng malalakas na ulan dahil sa southwest monsoon at low pressure area.
Hanggang nitong Sabado, Hunyo 7, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City na inilikas nila ang mga pamilya mula sa barangay ng Cabatangan, Pasonanca, Ayala, Tumaga, Guiwan at Tugbungan.
Nasa iba’t ibang Barangay Evacuation Centers ang mga inilikas na pamilya habang nagbigay naman ng relief assistance ang
City Social Welfare and Development Office sa mga apektadong residente.
Naka-blue alert ang City Disaster Risk Reduction and Management Office mula pa noong Biyernes dahil sa masamang panahon. RNT/JGC