Home HOME BANNER STORY Mga parak sa Marilaque dadagdagan kontra mga ala-superman, kamote

Mga parak sa Marilaque dadagdagan kontra mga ala-superman, kamote

MANILA, Philippines – Magdadagdag ng magbabantay na mga pulis ang Philippine National Police (PNP) sa Marilaque Highway kasunod ng pagtaas ng mga aksidente, partikular sa Tanay, Rizal, na sikat na tambayan ng mga motorcycle riders.

Ayon kay PNP Highway Patrol Group (HPG) spokesperson Lt. Dhame Malang, paiigtingin ang patrol tuwing weekend at sa araw, lalo na sa mga delikadong bahagi tulad ng Palo Alto at Devil’s Curve.

Ang aksyon ay kasunod ng aksidente noong Enero 26 sa Tanay, ang ika-13 na naiulat ngayong taon, na nagresulta sa isang patay at mga nasugatang manonood.

Noong 2024, nakapagtala ang PNP-HPG ng 158 aksidente sa highway. Bilang hakbang sa seguridad, mas makikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa LGU at pulis para sa mas mahigpit na pagbabantay at pagsugpo sa mga ilegal na karera na problema na mula pa noong 2017. RNT