Home NATIONWIDE Mga Pinoy ligtas sa Hurricane Helene – PH Embassy

Mga Pinoy ligtas sa Hurricane Helene – PH Embassy

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Embassy sa Washington na wala pa itong natatanggap na anumang ulat na may mga Pilipinong naapektuhan ng Hurricane Helene sa US southeast.

Sa kasalukuyan, patuloy na naka-monitor ang Embahada sa sitwasyon kasama ang Philippine Honorary Consulates sa Florida at Georgia.

Nananatili naman itong handa na magbigay ng anumang kakailanganing tulong sa mga apektadong Pilipino.

Tinatayang  300,000 Pilipino ang nakatira sa lugar na apektado ng Hurricane Helene.

Sa ulat, dahil sa matinding hambalos ng Hurricane Helene ay naapektuhan ang Big Bend region sa Florida at maging ang ilang bahagi ng Georgia, Tennessee, at Carolinas.

Samantala, hinikayat naman ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. ang mga Pilipinong apektado ng Hurricane Helene na kagyat na kontakin ang Embahada o kaugnay na mga awtoridad para sa tulong.

Nagpapatuloy naman ang search, rescue, at recovery operations sa gitna ng tumataas na death toll. Kris Jose