Home NATIONWIDE Mga Pinoy na madedeport sa Amerika, aayudahan ng DOLE

Mga Pinoy na madedeport sa Amerika, aayudahan ng DOLE

MANILA, Philippines – Tutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Filipino sa Amerika na nahaharap sa deportasyon sa gitna ng malawakang pagsugpo sa imigrasyon ng administrasyong Trump.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, gaya ng ginagawa ng ibang ahensya tulad ng Department of Migrant Workers ay tutulong din ang DOLE alinsunod na rin sa tagubilin ng administrasyon Marcos.

Noong Nobyembre 2024, sinabi ng DMW na tutulungan nito ang mahigit 300,000 undocumented Filipinos sa US na posibleng ma-deport.

Ang mga apektadong Pilipino ay pinangakuan ng tulong sa job retooling, reskilling, at employment facilitation

Sa kanyang pagbabalik sa White House, nanindigan si Trump na ipagpatuloy ang kanyang pangako na ideport ang mga illegal immigrants partikular sa mga may criminal records.

Noong Linggo, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na hindi bababa sa 24 na Pilipino ang nailipad palabas ng bansa dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga kriminal na aktibidad.

Pinayuhan din ni Romualdez ang mga Pilipinong walang “anumang uri ng katayuan” na kusang-loob na bumalik sa Pilipinas o magsimulang gumawa ng kanilang mga dokumento at huwag nang maghintay na ma-deport. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)