Home NATIONWIDE Mga Pinoy na nagutom, nakaramdam ng hirap bumaba sa Q1 2024 –...

Mga Pinoy na nagutom, nakaramdam ng hirap bumaba sa Q1 2024 – sarbey

MANILA, Philippines- Mas kaunting Pilipino ang nakaranas ng kahirapan at gutom, sa unang quarter ng 2024, base sa resulta ng OCTA Research survey na inilabas nitong Martes, April 23.

Napag-alaman sa survey, isinagawa mula March 11 hanggang 14 na nilahukan ng 1,200 respondents sa buong bansa, 42 porsyento o tinatayang 11.1 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing itinuturing ang kanilang mga sarili na mahirap sa unang quarter ng 2024.

Bahagya itong bumaba mula sa 45 porsyento, o tinatayang 11.9 milyong pamilya, sa ika-apat na quarter ng 2023.

“The 3 percent decrease, representing approximately 800,000 families, while modest, still represents a continuing downward trend in self-­rated poverty observed since July 2023, where self-rated poverty was at 50 percent. Self-rated poverty has been going down at a modest rate for the last five quarters starting July 2023,” anang OCTA sa ulat.

Sa parehong survey period, inihayag ng OCTA na 11 porsyento, o tinatayang 2.9 milyong pamilya, ang nakaranas ng involuntary hunger sa unang quarter ng 2024.

Mas mababa ito ng 3 porsyento kumpara sa ika-apat na quarter ng 2023 kung saan 14 porsyento, o tinatayang 3.7 milyong pamilya, ang nakaranas ng involuntary hunger.

“The 3 percent increase, representing approximately 800,000 families, deviates from the upward trends observed in the fourth quarter of 2023,” base sa OCTA.

Ang “Tugon ng Masa” survey ng OCTA ay independent at non-commissioned. RNT/SA