Home NATIONWIDE Mga Pinoy tinatangkang pagwatak-watakin ng Tsina sa ‘gentleman’s agreement’ – NSC

Mga Pinoy tinatangkang pagwatak-watakin ng Tsina sa ‘gentleman’s agreement’ – NSC

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Security Council (NSC) na ang salaysay ng Beijing ukol sa sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa West Philippine Sea (WPS) ay nakagagambala, nakalilito at naglalayon na pagwatak-watakin ang mga mamamayang Pilipino.

Kapwa inihayag ng Tsina at ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na ang sinasabing pagkabigo ng Pilipinas na sumunod sa umano’y kasunduan na huwag magsagawa ng anumang pagkukumpuni sa nakasadsad na BRP Sierra Madre ang nagpaigting sa tensyon sa West Philippine Sea — bahagi ng South China Sea na nasa loob ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.

“The President has been very clear: This administration is not aware of any secret or gentleman’s agreement and if there was such done under a previous administration, the same has been rescinded,” ayon kay National Security Adviser Eduardo Año.

Sakali aniya na may nabuo ngang kasunduan, sinabi ni Año, “it is the responsibility of those responsible for it” para ipaliwanag sa mga mamamayang Pilipino na ang kasalukuyang administrasyon ay hindi nakatali rito.

Ang pahayag na ito ni Año ay matapos sabihin ng Chinese Embassy sa Maynila na inabandona ng administrasyong Marcos ang bagong kasunduan sa Beijing ukol sa Ayungin Shoal.

“This new model is nothing more than an invention,” ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya.

“The propaganda masters at the Chinese Embassy are clearly working overtime to sow discord and division in our country for one purpose alone: to show that the Philippines is the one sowing tensions and conflict in the West Philippine Sea,” giit pa ng opisyal.

“President Ferdinand Marcos Jr. and his administration can never agree to any understanding that violates our understanding of our territory and international law,” lahad nito sabay sabing, “Kung ano man ang sinasabi ng Chinese Embassy, let’s take it with a grain of salt. These are the same people who said that the entire South China Sea is theirs.”

Nauna rito, inamin ni Duterte na ang kasunduan kay Chinese President Xi Jinping ay magkaroon ng “status quo” sa WPS o walang gagalawin o babaguhin sa estado ng mga pinag-aagawang teritoryo sa naturang bahagi ng karagatan.

“The only thing I remember was that status quo… No movement, no armed patrols there. As is, where is, para hindi tayo magkagulo,” ayon kay Duterte.

Pumiyok din ang dating Pangulo sa naging pahayag ng kanyang dating tagapagsalita na si Atty. Harry Roque tungkol sa pagbabawal na magdala ng construction materials sa BRP Sierra Madre na nakahimpil malapit sa Ayungin Shoal.

“As is, where is nga. You cannot bring in materials to repair and improve. Wala ‘yan,” sabi ni Duterte. Kris Jose