Home NATIONWIDE Mga raliyista, nagmartsa mula EDSA Shrine papuntang People Power Monument

Mga raliyista, nagmartsa mula EDSA Shrine papuntang People Power Monument

144
0

MANILA, Philippines – Nagmartsa ang mga nagpoprotesta mula sa iba’t ibang sektor mula EDSA Shrine patungong People Power Monument noong Miyerkules ng umaga bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Bandang alas-8:30 ng umaga, nagtipon ang mga kalahok sa EDSA Shrine na may dalang mga plakard na nananawagan laban sa korapsyon at political dynasties bago nagmartsa patungo sa monumento.

Nagbigay ng panata ang mga lider ng grupo, nag-alay ng dilaw at puting bulaklak, at umawit ng “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar sa harap ng monumento.

Bahagi ito ng pagbubukas ng ikatlong Trillion Peso March, kung saan nakatakdang ganapin ang pangunahing programa alas-3 ng hapon.

Ang unang Trillion Peso March ay isinagawa noong Setyembre 21, 2025 kaugnay ng mga isyu ng korapsyon sa flood control projects, na sinundan ng isa pang protesta noong Nobyembre 30, Bonifacio Day. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here