MANILA, Philippines – PATULOY na pinangangambahan ng mga residente ng lungsod ng Calamba, Laguna na tinaguriang Hometown ng Pambansansang Bayani Gat Jose Rizal, makaraan umanong salakayin ng mga awtoridad kamakailan ang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na humantong sa pagkaaresto sa tatlong Chinese National POGO Workers at 23 katao na pawang mga Pilipino ang na rescue.
Anila, may hinala umano sila na hindi lamang iisa ang nag-ooperate ng POGO sa kanilang lungsod na diumano ay nagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng Guerilla Style.
Ayon pa sa mga residente, nangangamba sila kung alam ba ng mga nanunungkulan sa gobyerno sa nasabing lungsod ang operasyon ng Philipppine Offshore Gaming Operation (POGO) at kung may permit ba ang mga ito para makapag-operate sa lungsod.
“Masyado na yatang nayuyurakan ang apelyido ng ating pambansang bayani dahil sa mga milagrong ito, Pakatandaan po natin na ang permit o luno ng POGO ay galing sa local government unit (LGU) bago ito ay pagkalooban ng Phillipine Gaming Corporation (PAGCOR). Ang tanong pa rin ay kung legal na idineklara ang naturang POGO,” ayon sa mga residente.
Dagdag pa ng mga residente, napansin din umano ang mga Christmas decors na umano ay pinagkagastusan ng malaking halaga at bukod dito ay mayroon umanong pasugalan sa naturang lungsod na hindi kalayuan sa Calamba City Hall. Ellen Apostol