Home NATIONWIDE Mga senador nanawagan sa tuluyang pagtuldok sa hazing

Mga senador nanawagan sa tuluyang pagtuldok sa hazing

162
0

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang ilang senador na tuluyang wakasan ang hazing kasunod ng pagkamatay ng isang 19-anyos na maritime student sa Cavite, at iginiit ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Hazing Act of 2018 upang maiwasan ang kaparehong trahedya.

Hinimok ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang mga paaralan na palakasin ang kanilang mga patakaran laban sa hazing at bantayang mabuti ang mga aktibidad na may kaugnayan sa initiation rites.

“Paulit-ulit na lang ito. Tama na. This time, the response must be strict enforcement, real accountability and prevention that starts before another student is harmed. This time, the response must be strict enforcement, real accountability and prevention before another student is harmed,” ani Zubiri.

Kinondena rin ni Senator Joel Villanueva ang insidente at nanawagan sa mga awtoridad na tukuyin at papanagutin ang mga responsable.

“We call on our authorities to hunt down all those involved in this heinous act. Our society will never tolerate hazing incidents especially when it leads to untimely deaths of our youth,” ani Villanueva.

Hinimok naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga law enforcement authorities na kumilos agad.

“I am urging law enforcement authorities to act swiftly. Hanapin, panagutin, at kasuhan ang lahat ng sangkot (Find them, hold them accountable, and file charges against all those involved). They should face the full force of the law,” aniya.

Nagpahayag din ng pakikiramay si Senator Jinggoy Estrada sa pamilya ng biktima at iginiit ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Hazing Law.

“Napakasakit isipin na may mga kabataang nawawalan pa rin ng buhay dahil sa isang marahas na initiation rite. Walang puwang ang karahasan sa anumang organisasyon na nagsasabing itinataguyod ang brotherhood at camaraderie,” ani Estrada.

Ang biktima na si Mark Kenneth Alcedo, isang freshman ng Philippine Nautical and Technological Colleges, ay namatay noong Linggo ng hapon matapos umano sumailalim sa fraternity initiation rites sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa pulisya, may mga palatandaan ng torture sa katawan ng biktima at patuloy nilang hinahanap ang hindi bababa sa 15 suspek na may kaugnayan sa insidente.  RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here