INDIA – Nagbahagi ng kanilang mga karanasan ang mga responder sa bumagsak na Air India 787-8 Dreamliner passenger plane sa residential area sa Ahmedabad ilang sandali matapos itong mag-take off patungong London noong Hunyo 12.
Ikinuwento ng mga volunteer rescuer ang nadatnan nilang matinding sunog at mga nasunog din na mga katawan na kanilang nadatnan sa lugar.
Malubhang nasira rin ang ilang gusali.
“We saw bodies everywhere — they were in pieces, fully burnt,” anang rescuer.
“Everywhere just bodies, parts, body parts. The bodies were totally burnt. It was like coal,” dagdag pa nito.
Bumisita sina Prime Minister Narendra Modi at Home Minister Amit Shah sa crash site.
Isinasagawa na ang DNA testing para matukoy ang mga biktima.
Hindi bababa sa 265 ang nasawi sa pagbulusok ng eroplano. Lulan ng eroplano ang 169 Indian, 53 British, 7 Portuguese, 1 Canadian, at 12 crew members. Patuloy ang paghahanap sa black box para matukoy ang sanhi ng aksidente. RNT