Home NATIONWIDE Mga tauhan ng PH Navy sinanay sa pagtataboy ng mga manghihimasok sa...

Mga tauhan ng PH Navy sinanay sa pagtataboy ng mga manghihimasok sa barko

286
0

MANILA, Philippines – SINANAY mabuti ang mga tauhan na nagbabantay sa Philippine Navy (PN) ships para itaboy ang mga intruders na nagtatangka na sumakay o i -take over ang kanilang mga vessels.

“All ships in the navies in the world operate with certain bills or scenarios, that includes a bill or a scenario on how to repel boarders. Our ships have that bill and we exercise that regularly,” ang sinabi ni PN spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa isnag panayam.

Nagbigay ng kasiguruhan si Trinidad nang tanungin kung ang PN ay may kakayahan na idepensa ang BRP Sierra Madre (LS-57), ang grounded World War II-era vessel na nagsisilbi bilang Philippine post sa Ayungin Shoal, sakali at atakihin ng mga ‘ intruders.’

Sa ulat, binabantayan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng isang Chinese tugboat malapit sa kinaroroonan ng BRP Sierra Madre (LS57) sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ang tugboat ay ginagamit umano para i-tow o hilahin ang malalaking vessels.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, batay sa kanilang monitoring nitong nagdaang mga araw, nakita nila ang presensya ng tugboat kahapon.

Kasabay nito, inalis niya ang pangambang baka hilahin ng China ang BRP Sierra Madre.

Mangangailangan daw kasi ng higit sa isang tugboat para mahila ang barko ng Pilipinas.

Sa huli, sinabi ni Trinidad na bagaman hindi ito nagdudulot ng pagkaalarma, handa ang militar para pigilan ang mga Chinese maritime forces sakaling hatakin nito ang Philippine vessel na nakasadsad sa Ayungin simula pa noong 1999. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here