SA KABILA ng tanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang extrajudicial killings (EJKs) sa drug war ng nakalipas na administrasyon ay nananatiling ‘unanswered’, sinabi ng Chief Executive na ang testimonya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa congressional inquiry, araw ng Miyerkules ay ikokonsidera sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) sa drug war killings.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga nasabing pahayag ay ia-assessed ng DOJ para sa posibleng case build-up.
“All of the testimony that was given yesterday really – will be taken in and will be assessed to see what – in legal terms, what is the real meaning and consequence of some of the statements made by PRRD (Duterte),” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa media interview, araw ng Huwebes.
“Now, if that will result in a case being filed here in the Philippines, we will just have to see. The DOJ will have to make that assessment,” aniya pa rin.
Sinabi pa niya na hinihintay niya ang PNP report hinggil sa imbestigasyon ng di umano’y drug war killings.
“We are always monitoring all of these things because the question on EJK has not yet been answered,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
Nagpakita si Digong Duterte sa House of Representatives quad committee, nag-iimbestiga sa madugong drug war ng kanyang administrasyon, tumagal ng apat na oras, araw ng Miyerkules.
Sa isang pagkakataon, hinamon ni Digong Duterte ang International Criminal Court (ICC) na madaliin ang imbestigasyon sa kanyang war on drugs hinggil sa di umano’y ‘crimes against humanity.’
At nang tanungin ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kung handa itong makipagtulungan sa imbestigasyon, sinabi ni Digong Duterte, “I am asking the ICC to hurry up and if possible, they can come here and start the investigation tomorrow.”
At nang hingan ng komento, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi magpapartisipa ang gobyerno sa ICC subalit hindi pipigilan ang dating Pangulo kung nais nitong i-subject ang kanyang sarili sa imbestigasyon ng tribunal.
“If ‘yun ang gugustuhin ni PRRD (Duterte] ay hindi naman kami haharang doon sa mga ICC. Hindi lang kami tutulong. Ngunit kung pumapayag siya na makipag-usap siya o magpa-imbestiga siya sa ICC ay nasa kanya ‘yun. Wala na kaming desisyon doon,” ayon sa Pangulo.
Makailang ulit naman na inulit ni Pangulong Marcos na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa Pilipinas matapos na kumalas ang Pilipinas sa statute noong 2019, binigyang-diin na ang local courts ay gumagana.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang gobyerno ay obligadong sumunod kung hangad ng International Criminal Police Organization (Interpol) na arestuhin si Digong Duterte.
“We have obligations to Interpol and we have to live up to those obligations,” ani Pangulong Marcos.
Nauna rito, muling inulit ng Department of Justice (DOJ) na mananatili ang Philippine government na obligadong kilalanin ang terms ng membership ng Interpol.
Naglabas ang DOJ ng kalatas na may kaugnayan sa report na ang ICC ay maaaring makahingi ng tulong sa Interpol upang makuha ang hurisdiksyon na imbestigahan ang war on drugs ng Duterte administration.
“Allow us to reiterate the DOJ’s position for clarity, the Secretary (Jesus Crispin Remulla) has repeatedly said that despite the withdrawal of the Philippines from the Rome Statute, the country remains a member country of the Interpol,” ang sinabi ng justice department.
“Thus, when requests are made by the ICC through the Interpol and Interpol, in turn, relays such requests to our country, the Philippine government is legally obliged to accord due course to the same, by all means,” dagdag na wika nito. Kris Jose