Home NATIONWIDE Mga upuan sa arrival area ng NAIA Terminal 3 aalisin sa susunod...

Mga upuan sa arrival area ng NAIA Terminal 3 aalisin sa susunod na buwan

MANILA, Philippines – Aalisin sa susunod na buwan ang mga upuan sa arrival area ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ni Eric Ines, general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA), nitong Lunes, Marso 25 na ipinag-utos na niya ang pag-aalis nito upang maiwasan ang presensya ng mga nakaistambay sa lugar.

“Kasi po, ‘yung po, merong mga hindi naghahatid o hindi nagsusundo e nakaupo lang po doon. Nakaistambay lang po doon at marami po ‘yung mga tao na ‘di namin kilala na wala naman pong talagang rason. Eh, nagso-solicit lang po ng kung ano-anong kalokohan po doon,” ani Ines.

“Kaya pinapatanggal ko na po ‘yung mga silya sa arrival area ng Terminal 3, effective next week, after ng Holy Week,” dagdag pa niya.

Dagdag ni Ines, ipinag-utos na rin niya ang pagbawas ng mga upuan sa departure area ng NAIA Terminal 3 upang maiwasan ang mga pakalat-kalat na mga tao sa lugar.

“Babawasan din po namin. Meron naman pong mauupuan sa departure. Pero sana po, i-limit na lang po natin ‘yung matagal na paghatid, lalo na po ‘yung salubong. Minsan, isa lang ang dadating, halos lima o anim ang sasalubong.” RNT/JGC

Previous articleBabaeng entertainer sa bar, binaril patay
Next articleAte Guy, hirap huminga, naka-oxygen!