Home ENTERTAINMENT Ate Guy, hirap huminga, naka-oxygen!

Ate Guy, hirap huminga, naka-oxygen!

Manila, Philippines – Naalarma ang mga fans at tagasuporta ni Nora Aunor nang malaman ng mga ito ang kundisyon ng kanilang idolo.

Lately raw kasi ay nagkakaroon ng difficulty in breathing o sa paghinga ang Superstar.

Dahil dito’y kinailangan daw mag-install ng oxygen tank sa kanyang bahay.

Buti na lang, at her beck and call ang old-time friend niyang si John Rendez.

Tutok na tutok daw ito kay Ate Guy, making sure the latter eats the right food as well as observes certain do’s and dont’s as per her doctor’s order.

Nagkataon lang na medyo busy ang mga anak ni Nora sa trabaho.

Sina lan at Lotlot de Leon ay naging busy sa taping for a show as in both of them are cast in it na bihirang mangyari.

Si Matet naman ay hands-on sa kanyang bottled food business.

For sure, whenever they get the chance ay dumadalaw sila sa kanilang ina.

Curious naman ang isang netizen na nagtanong kung ginive up na nga ba ng Superstar ang kanyang paninigarilyo.

Baka ‘yun daw ang dahilan ng hirap niya sa paghinga.

Matatandaang ‘yun din ang payo sa kanya ng ilang nagmamalasakit: kick the smoking habit.

Was it Christopher de Leon or Tirso Cruz Ill nga ba who gave that piece of advice?

Samantala, mas ngayon dapat maging up and about si Nora para mai-promote ang dalawang in-the-can movies niya: one drama and one horror. Ronnie Carrasco III

Previous articleMga upuan sa arrival area ng NAIA Terminal 3 aalisin sa susunod na buwan
Next articleHeat index sa Palawan aabot sa 42 degrees Celsius