Kumpiyansa sa sarili si dating heavyweight champion Mike Tyson na tatalunin niya si Youtuber Jake Paul sa inaabangan nilang laban sa Nobyembre 16 (Philippine time) sa AT&T Stadium sa Arlington, USA.
Nagretiro mula sa propesyonal na eksena mula noong 2005, nakatakdang lumaban muli Tyson sa edad na 58 kontra kay Paul sa isang walong dalawang minutong round boxing match ngayong weekend.
“I am tougher than I believe I was. Noong pumayag ako sa laban na ito nagsimula akong mag-training, ‘What the f— was I thinking,” sabi ni Tyson sa kanyang media workout.
“I finished the process and now the fight is the party. Tapos na ang hard work.”
Si Tyson, 50-6 na may 44 na knockouts bilang isang boksingero, ay huling tumuntong sa ring noong 2020 nang harapin niya ang kanyang kapwa alamat na si Roy Jones Jr sa isang exhibition na nauwi sa isang draw.
Makalipas ang apat na taon, muli niyang makikita ang kanyang sarili sa ring laban sa isang kalaban na hindi niya naisip na lalabanan niya.
“Never thought in a million years. I never thought I will fight [Jake Paul],” ani Tyson.JC