Home ENTERTAINMENT Miles, iniwan sina Maja!

Miles, iniwan sina Maja!

Manila, Philippines- Humulagpos na sa poder ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez si Miles Ocampo.

Ang Nuñez celebrity couple ang may-ari ng Crown Artist Management.

Aside from Miles, talent din ng CAM si John Lloyd Cruz na sadly ay tila wala nang interes bumalik sa showbiz.

Sa kanyang pag-alis, Miles has found a home in Triple A or Access to All Artists.

Pag-aari naman ito ni Mike Tuviera na nagma-manage din sa career ni Marian Rivera.

Timing ang desisyon ni Miles na in fairness, thankful sa CAM.

Tiyempo in the sense na sa May 1 ay 28 years old na siya.

She admits to getting old on the field kung saan napakabilis ang turnover: “Ang daming nagsusulputang bagong mukha, so I feel that I need to do something.”

Having begun her career as a child actress, nangako si Miles na lalo pa niyang pagbubitihin ang kanyang trabaho.

Samantala, kinumpirma ng Eat Bulaga host that she and Elijah Canlas get back together. Ronnie Carrasco III