MANILA, Philippines – Hindi magtatatag ng presensya ng militar sa West Philippine Sea (WPS) kahit na naglunsad ng misyon ang isang sibilyang grupo upang magtatag ng kanilang presensya sa pinag-aagawang karagatan ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) nitong Miyerkules, Mayo 15.
Ayon kay spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela, ang regatta na isinagawa ng Atin Ito Coalition na nagtatagyod ng karapatan ng bansa sa WPS ay hindi pagsisimula ng pagtatatag ng presensya ng military doon.
Binigyang-diin ni Tarriela na ang convoy ng coalition ay hindi sanction ng national government.
Giit ni Tarriela, boluntaryo ang desisyon ng pagpunta ng Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc.
“We did not force them, we did not instruct them. This is voluntary on theor part and this is a civil society initiative”, diin pa ng tagapagsalita ng WPS.
Gayunman, suportado ni Tarriela ang inisyatiba ng Atin Ito Coalition.
“This is a good sign. Because of the transparency strategy we started since last year, there are civil society group hat are now showing their support to our position in the West Philippine Sea”, sinabi ni Tarriela.
Nitong Miyerkules, matagumpay na nakapaglatag ang grupo ng floating markers at nakapamahagi ng suplayat gasoline sa mga mangingisad sa 14 nautical miles ng Palauig Point sa Zambales.
Pagkatapos ay tumuloy ang grupo sa ikalawang yugto ng kanilang paglalayag habang nilalayon nilang makarating sa paligid ng Bajo de Masinloc para sa isa pang round ng supply distribution sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.
Sinabi ni Atin Ito organizer Emman Hizon na walang palatandaan o harassment mula sa Chinese vessels na naiulat sa ngayon bagamat ang naunang napansin ng coalition ang presensya ng “armada” ng Chinese vessels malapit sa bajo de Masinloc dalawang araw bago magsimula ang kanilang misyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)