Home NATIONWIDE Military chief ng Kenya, 9 iba pa patay sa helicopter crash

Military chief ng Kenya, 9 iba pa patay sa helicopter crash

KENYA – Patay ang military chief ng Kenya kasama ang 9 iba pa sa pagbagsak ng military helicopter ilang sandali matapos itong lumipad.

Sa anunsyo ni President William Ruto nitong Huwebes, Abril 18, ang helicopter na bibisita sa mga tropa sa northwest Kenya ay bumagsak ilang sandali matapos umalis sa Cheptulel Boys Secondary School sa West Pokot County.

Dalawang sundalo ang nakaligtas sa pagbagsak at nagpapagaling sa ospital.

Nagpadala na ng investigation team para malaman ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter. RNT/JGC