Home METRO Manhunt ikinasa vs gunmen sa Lanao police car ambush

Manhunt ikinasa vs gunmen sa Lanao police car ambush

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng pinuno ng Police Regional Office -Bangsamoro Autonomous Region nitong Biyernes, Abril 19 ang manhunt laban sa mga gunman na sangkot sa pananambang sa isang police patrol car na ikinasugat ng isang pulis sa Lanao del Sur.

“This is a reprehensible act of violence against our security forces,” sinabi ni Brig. Gen. Prexy Tanggawon sa panayam nitong Biyernes, Abril 19.

Ang tinutukoy niya ay ang pag-atake sa police patrol car ng Picong municipal police station nitong Huwebes ng umaga. Sugatan dito si Patrolman Hashemi Lidasan Sumusod.

Sakay ng patrol vehicle ang mga pulis pabalik sa kanilang istasyon nang harangin ng mga hindi pa nakikilalang armadong mga indibidwal sa Barangay Micolabo ng nasabing munisipalidad.

Dinala si Sumusod sa ospital.

“I appeal to the public, in general, to help your police maintain law and order in your respective localities, identify lawless elements and would-be crime offenders so they can be addressed before they commit the crimes,” ani Tanggawon. RNT/JGC