Home NATIONWIDE Binatilyo kinasuhan ng terorismo sa pananaksak sa Sydney bishop

Binatilyo kinasuhan ng terorismo sa pananaksak sa Sydney bishop

AUSTRALIA – Kinasuhan ng terorismo ang isang 16-anyos na binatilyo dahil sa pananaksak umano sa isang Assyrian church bishop sa Sydney habang nagdaraos ng misa, sinabi ng Australian police nitong Biyernes, Abril 19.

Inimbestigahan ng mga pulis mula sa joint counter terrorism team ang binatilyo na nasa ospital at bantay ng police guard habang nagpapagaling pa sa mga tinamong sugat sa katawan.

Nitong Huwebes, sinampahan siya dahil sa terorismo. Kung mapatutunayang guilty ay mahaharap ito sa maximum penalty na habambuhay na pagkakulong.

Ang pananaksak ay nangyari noong Lunes, dalawang araw lamang matapos ang isa pang insidente ng pananaksak sa isang mall sa Sydney na nag-iwan naman ng anim an nasawi. RNT/JGC