Home METRO 2 magkapatid na paslit tusta sa loob ng bahay

2 magkapatid na paslit tusta sa loob ng bahay

MANILA, Philippines – DALAWANG magkapatid na bata ang namatay makaraang maiwan at lamunin ng apoy ang kanilang tinititrhang bahay sa Purok 1, Brgy Biluso, Silang, Cavite

Ayon sa report, kinilala ang nasawing mga biktima na sina Rhyle, 3 at Rhian, isang kindergarten student at residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente.

Sa salaysay ng ina ng mga biktima, iniwan niyang saglit ang kanyang dalawang anak sa loob ng kanilang barong-barong upang maghanap ng panggatong subalit pagbalik nito ay nasusunog na ang kanilang bahay.

Dakong alas-4:15 ng hapon ng araw ding iyon nang idineklarang fire-out ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang naturang sunog.

Inaalam pa kung ano ang naging sanhi ng sunog. Margie Bautista