Home NATIONWIDE 2 high-impact ‘Balikatan’ events pangungunahan ng AFP Wescom

2 high-impact ‘Balikatan’ events pangungunahan ng AFP Wescom

MANILA, Philippines – Pangungunahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (Wescom) na nakabase sa Palawan ang dalawang high impact activities ng Balikatan ngayong taon na magaganap mula Abril 22 hanggang Mayo 10.

“Wescom will be the hub of two major CJADO (Combined Joint All Domain Operations) events – Training on Maritime Key Terrain Security Operations and the High Mobility Artillery Rocket System Rapid Insertion (HIRAIN) Operations,” pahayag ni Wescom chief Vice Admiral Alberto Carlos nitong Biyernes, Abril 19.

Bago ang mga drill, nagsimula nang magtayo ng logistics infrastructure ang United States military units sa joint operational area ng Wescom.

Lalahok ang mga partisipante sa simulations, live-fire drills, at tactical exercises, na layong palakasin ang kooperasyon at palakasin ang kapabilidad ng AFP at US military.

Inaasahang patataasin din ng mga training event na ito ang abilidad ng allied forces na magtulungan bilang tugon sa mga krisis sa military spectrum at maabot ang misyon habang sinusuportahan ang lokal na populasyon.

Bukod sa mga training events, ilang humanitarian civic assistance projects katulad ng konstruksyon ng health care center sa Barangay Punta Baja, Rizal, at papalapit na civil-military engagements sa mga lugar na layon ding magbigay ng agaran at direktang benepisyo sa mga lokal na komunidad sa Palawan.

“We welcome all participating contingents as we prepare for the PH-US Balikatan 39-2024 here in Palawan. Together, we will strive for a successful exercise that not only strengthens our bilateral ties but also brings benefits to our country and our allies,” ani Carlos. RNT/JGC