MANILA, Philippines – Binuksan na ng La Mesa Ecopark sa publiko ang Phase 3 ng proyekto nito na kinatatampukan ng isang mini forest at team building area.
Ang mini forest ay mayroong bike at hike trail sa 1.5 kilometrong loop kung saan makikita ang mga rare na ibon at insekto.
Magugustuhan din umano ng mga trail biker, nature trekker at bird watchers ang naturang lugar na mayroong mayayabong na puno at halaman.
Samantala, mayroon naming recreational activities at obstacle course sa team building area na maaaring i-book ng mga grupo, pamilya, magkakaibigan, o organisasyon.
May alok din na recreational activities sa loob ng park katulad ng wall climbing, paintball, target shooting, rappelling, at archery tag.
Para sa buong buwan ng Disyembre, pinalawig ng La Mesa Ecopark ang operating hours nito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, Martes hanggang Linggo.
Papayagan lamang ng management ang 1,000 indibidwal sa loob ng parke para masiguro ang maayos na serbisyo at proteksyon ng biodiversity nito. RNT/JGC