Magsisimula na ngayong Mayo ang pagre-review ng mga minimum wage rates sa ilang rehiyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Assistant Secretary Patrick P. Patriwirawan Jr. ng Bureau of Local Employment, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsusuri ng mga minimum wage rates.
Idinagdag niya na ang mga regional tripartite boards ay nakapag-issue na ng kani-kanilang wage orders sa mga nakaraang taon.
Tinutukoy din ni Patriwirawan ang kahilingan ng mga labor groups para sa P200 na wage hike, at sinabi niyang handa ang DOLE na ipatupad ito kung ipasa ng Kongreso ang batas at aprubahan ito ng Pangulo.
Binanggit niya ang patuloy na konsultasyon sa labor at employer sectors upang masuri ang epekto ng posibleng pagtaas ng sahod. RNT