Ibinalik na ang label na “West Philippine Sea” sa Google Maps ngayong Huwebes ng umaga matapos mawala ito pansamantala.
Ang label ay nakita muli ng alas-7:20 ng umaga, nasa tubig sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Bagamat nawawala ang label noong Miyerkules, makikita pa rin ang “Scarborough Shoal,” isang mahalagang pook-pangisda sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Nilinaw ng Google na laging nandiyan ang West Philippine Sea sa mapa, ngunit kamakailan ay ginawa itong mas madaling makita.
Ang lugar ay opisyal na pinangalanang “West Philippine Sea” noong 2012 sa pamamagitan ng isang administrative order mula kay dating Pangulong Benigno Aquino III. RNT