Home METRO Misis, tinangkang gilitan sa leeg ng kanyang mister

Misis, tinangkang gilitan sa leeg ng kanyang mister

1
0

QUEZON, Philippines – Sugatan ang isang misis at kasalukuyang naka confine sa MMG General Hospital  nang tangkain itong gilitan sa leeg ng kanyang mister kagabi sa Barangay Mayao Crossing lunsod ng Lucena, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Lyn, 44, samantalang ang suspek na mabilis na tumakas  na nakilala sa alyas Rod 49, kapwa nakatira sa nabanggit na lunsod.

Base sa inisyal na natanggap na report ng Lucena Component City Police Station dakong alas- 9:30 kagabi ( June 29, 2026 ) habang ang biktima at mga  kaibigan nito na nag-iinuman sa nasabing lugar nang biglang dumating ang suspek kung saan nagtalo ang mga ito sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Napag-alaman sa gitna ng mainitang  pagtatalo kung saan sinabunutan umano ng suspek ang buhok ng biktima at tinangkang gilitan sa leeg ang kanyang misis ( biktima) subalit naging maagap umano ang ginang matapos na salagin ang kutsilyong hawak ng suspek kaya sa bahaging kanang  braso  nasugatan ang naturan ginang .

Samantalang patuloy na tinutugis ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen para panagutin sa kasong isinampa na Frustrated  Parracide. /Ellen Apostol 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here