Home NATIONWIDE MisOr exec nangako, delayed ‘financial benefits’ ng empleyado iimbestigahan

MisOr exec nangako, delayed ‘financial benefits’ ng empleyado iimbestigahan

MANILA, Philippines – Nangako si Misamis Oriental provincial administrator John Venice Ladaga na iimbestigahan nito ang delayed na pagbibigay ng financial benefits sa mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

Ang pagsisigurong ito ay kasunod ng pagpost sa social media ng mga hindi pinangalanang empleyado ng provincial capitol sa kanilang clothing allowance at midyear bonus na matagal nang hindi ibinibigay.

Ani Ladega, napakinggan na nila ang hinaing at magbibigay ng update kung ano na ang kalalabasan nito.

Ang clothing allowance na P7,000 kada empleyado ay karaniwang ibinibigay sa unang linggo ng Abril.

Para sa mga empleyado ng Misamis Oriental provincial capitol, bahagi nito ay dapat na ibayad sa uniform supplier; P2,600 sa babae at P2,650 sa lalaki.

Ang nalalabing halaga ay ibinibigay sa pamamagitan ng cash sa mga empleyado.

Samantala, hindi pa rin naibibigay ang midyear bonus na dapat ay sinimulan na noon pang Mayo 15. RNT/JGC