MANILA, Philippines – Tinukoy ng Quezon City Police District (QCPD) sa imbestigasyon nito na nakararanas ng financial distress o problema sa pera sa nalalapit na kasal at pagpapagamot ng ama ang nawawalang bride-to-be na si Sherra De Juan.
Ayon kay QCPD Director Police Colonel Randy Glenn Silvio, ito ay matapos na suriin ang cellphone ni De Juan.
Bukod pa rito, nakita umano sa web history sa mga gadget ni Juan na naghahanap ito ng gamot na maaaring magresulta sa pagkamatay.
Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin sa imbestigasyon ang pulisya at sinusuyod din ang Dumaguete City kung saan nakatira ang mga kaanak ni De Juan. RNT/JGC