MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki, makaraang pagbabarilin ng hindi bababa sa tatlong kalalakihan na armado ng maiiksing baril nang pasukin nito ang tindahan ng biktima.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilala sa alyas Kurt, nasa hustong gulang, residente ng Bacoor City.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng tindahan ang biktima nang dumating ang mga suspek na armado ng baril at pinasok nito ang nasabing tindahan.
Dito nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng biktima at ng mga lalaki hanggang sa barilin ng isa sa mga suspek ang biktima.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ang biktima na mabilis namang naisugod sa Asia Medical Center subalit hindi na ito umabot nang buhay.
Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ng krimen. MARGIE BAUTISTA