Home NATIONWIDE Pamahalaan handa sa pagtugon sa epekto ng bagyo sa mga magsasaka

Pamahalaan handa sa pagtugon sa epekto ng bagyo sa mga magsasaka

287
0

MANILA, Philippines – NAKAHANDA ang gobyerno na tulungan ang mga magsasaka kung ang bansa ay apektado ng malakas na bagyo.

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sit-down forum na may pamagat na “Ugnayan with Farmers,” idinaos sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Habang isinasagawa ang dayalogo, tinanong si Pangulong Marcos kung ang gobyerno ay mayroong anumang suporta para tulungan ang mga magsasaka na makabangon o makabawi mula sa matinding kalamidad at climate change.

“If it’s still possible to plant again, the Department of Agriculture (DA) will step in and help you replant,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“If it’s already too late, we will provide you with support. In addition to that, all our crops are insured,” aniya pa rin.

Inalala pa ng Pangulo ang El Niño phenomenon mula 2023 hanggang 2024, na naging sanhi ng mahigit sa P15 bilyon na pinsala sa komunidad ng pagsasaka at pangingisda.

“If El Niño happens again and the successive typhoons will hit again — if you recall, there were six in less than a month — we are now prepared because we already know what needs to be done,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

“We’ve already put various systems in place from the Department of Agriculture and the National Food Authority down to the local level,” aniya pa rin.

Matapos ang forum, ipinakilala naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kay Pangulong Marcos ang 43 national Gawad Saka awardees.

Ang Gawad Saka ang pinakamataas at pinaka-prestihiyoso na taunang pagkilala ng DA sa pakikipagtulungan sa local government units.

Pinararangalan nito ang ‘exemplary performance, contributions, at innovative ways’ ng mga filipinong magsasaka , mangingisda, siyentipiko, mga mananaliksik at institusyon na nagsisikap na makamit ang ‘food security, sufficiency, at sustainability.’ Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here