MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) na nagsagawa ng pagpupulong ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) para pagtibayin ang Wage Order No. 28 ukol sa P60 daily wage increase sa National Capital Region (NCR).
Ito’y sa kabila ng sinabi ni Kamanggagawa party-list Representative Elijah San Fernando na wala siyang nakitang pagpupulong sa nasabing silid dahil nandoon din siya sa kaparehong silid.
At nang tanungin kung may idinaos na pagpupulong, sinabi ni DEPDev budget sponsor and House Committee on Appropriations Vice Chairperson Bella Suansing sa plenary deliberations, “Yes, Madam Speaker. DEPDev confirms.”
“The DEPDev also cites that there were labor representatives and employee representatives present in the meeting.”
Ang pulong ani Suansing ay idinaos noong September 10, dakong ala-1 ng hapon sa Manila Hotel.
Dahil dito, nagalit si San Fernando at iginiit na nandoon siya sa kaparehong silid.
“Niloloko po ang kinatawang ito at ang bulwagang ito. I was there 1 p.m. until 5 p.m. Kami nagbukas, kami rin ang nagsara. Umuwi nga ‘yung mga secretariat ng regional wage board… Deliberately niloloko ng DEPDev ang mga mambabatas,” diing pahayag ni San Fernando.
Ang director-general of the National Economic and Development Authority (NEDA), kilala ngayon bilang DEPDev, nagsilbi bilang ex-officio vice chairman ng NWPC, base sa commission’s website.
“Someone from the regional wage board NCR is not telling the truth. Now how can we justify ‘yung budget na hinihingi o pino-propose ng DEPDev kung simpleng usapin ng sahod ng mga manggagawa hindi masagot nang diretsahan at nang totohanan ang mga manggagawa? We demand a clarification,” dagdag na pahayag ni San Fernando.
Winika pa rin ni Suansing na hindi intensyon ng DEPDev na itago ang pulong ng NWPC.
Nag-alok naman ang appropriations committee vice chairperson na bibigyan si San Fernando ng listahan ng mga attendees para sa pulong para makatulong na makumpirma na nangyari ito.
“If it would be beneficial, I think the best course of action at least at this point in time, there is a list of people who supposedly attended the meeting. We can just give you the list of people. And we can confirm if the meeting actually took place,” ang pahayag ni Suansing. KRIS JOSE