MANILA, Philippines- Patay ang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang engkwentro sa government forces sa Barangay Humay-humay, Guihulngan City, Province of Negros Oriental.
Narekober ang bangkay ng isang lalaki sa clearing operation matapos ang engkwentro noong umaga ng May 1, 2025.
Ayon kay Police Lt. Jerome de Lara, deputy chief ng Guihulngan City Police Station, nakuha ang M16 rifle at mga bala mula sa encounter site.
Kabilang pa sa mga narekober ang mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.
Sugatan umano ang miyembro ng Philippine Army sa nasabing bakbakan.
Lumikas naman ang mga apektadong residente sa ligtas na lugar dahil sa insidente. RNT/SA