Home METRO MMDA tutol sa pagtanggal ng EDSA busway

MMDA tutol sa pagtanggal ng EDSA busway

MANILA, Philippines- Tutol ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panawagan ng bus companies na alisin ang EDSA Carousel.

“Unless they have a definite proposal which will show that it will not affect the traffic, we will definitely oppose any such move to remove the bus carousel and go back to the previous system,” pahayag ni MMDA chief Romando Artes.

Binigyang-diin ng opisyal na epektibo ang EDSA busway para sa mga biyahero, at nagpaluwag sa trapiko sa kahabaan ng nasabing daan.

Nanawagan ang ilang kompanya na alisin na ang EDSA busway, sa pagsasabing nawawalan ng kita ang operators dahil dito. Iminungkahi rin nila ang pagbabalik ng mga bus sa dalawang outermost lanes ng EDSA.

“The traffic will be back the whole day as compared to today and the travel time of commuters will double,” babala ni Artes.

“We must consider the greater good for the greater number,” dagdag ni Artes– ay iginiit na  maraming biyahero ang nabebenipisyuhan ng EDSA Carousel. RNT/SA