MANILA, Philippines – PRAYORIDAD ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang modernisasyon ng Philippine Marine Corps.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 74th anniversary ng PMC na idinaos sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, araw ng Huwebes, binigyang-diin ng Pangulo ang kanyang commitment para sa isang “stronger and more comprehensive defense posture” sa pamamagitan ng investments sa modern infrastructure at pag-upgrade sa pasilidad.
Ang event ngayon ay may tamang “74 Years of Standing Ready to Answer the Call: To Protect the Nation and Maintain to be the Most Ready Force of the Armed Forces of the Philippines”.
Kinilala rin ng Pangulo ang kamakailan lamang na pagsisikap ng mga marino sa humanitarian assistance at disaster response, at maging sa tanggulan sa teritoryo at soberanya ng Pilipinas.
“Your unwavering commitment to duty—whether on land or on sea—has been instrumental in shaping the security landscape that we continue to build on today,” ang sinabi ng Chief Executive.
“Your contributions not only ensure our safety, but have also reinforced the very foundation of our shared future. What started as a volunteer group has grown into a capable force under the Philippine Navy, entrusted with a critical mission—to safeguard our maritime sovereignty, counter insurgency, and stabilize areas of conflict,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako hinikayat naman ng Pangulo ang mga miyembro ng PMC na panindigan ang “dedication and excellence” ng PMC, at ipasa ang nasabing pagpapahalaga sa susunod na henerasyon ng PMC.
Bilang bahagi ng event, pinagkalooban ni Pangulong Marcos ng parangal ang mga miyembro at units ng PMC at pinangunahan ang traditional cake-cutting ceremony. Kris Jose