Home ENTERTAINMENT Moira, binato ng mineral water sa mall?

Moira, binato ng mineral water sa mall?

Manila, Philippines- Mangiyak-ngiyak na lang si Moira dela Torre nang muntik nang tamaan ng bumagsak na bote ng mineral water sa isang mall.

Nagkataong nasa kalagitnaan ng live performance ang singer-songwriter nang mga sandaling ‘yon.

Moira was singing her hit song Paubaya nang bigla na lang may bumagsak na plastic bottle mula sa upper floor.

Kaagad namang tsinek ng isang security guard sa mall ang insidente.

Napag-alaman na mula sa ikatlong palapag ng mall galing ang plastic bottle.

Natabig daw ng isang babaeng estudyante ang paper bag na naglalaman ng bottle ng mineral water.

Wala namang nasaktan o nahagip ng bumagsak na plastic bottle.

Gayunpaman, sari-sari ang mga reaksyon ng mga netizen lalo na ang nakapanood nito sa TikTok.

Halatang sinadya raw na target ng nasa mall si Moira.

May ilan din na nakisimpatya sa singer, hindi raw kasi pinatutunguhan ‘yon nang ganoon kung naiinis man ang tao sa kanya.

Ang dapat din daw ginawa ni Moira the moment it happened ay nag-walk out ito dahil hindi niya deserve na ganoonin ng audience.

Of late, pulos bad publicity ang inaani ni Moira makaraang “pinagkaisahan” siya ng mga kapwa dating artists ng Cornerstone Entertainment.

Inamin din ni Sam Milby na hindi na sila magkaibigan ni Moira.

Sina Sam, Erik Santos at Catriona Gray ay ilan lang sa mga hawak ng naturang management office ni Ericson Raymundo. Ronnie Carrasco III