Manila, Philippines – Isa sa mga gumawa ng ingay noong nakaraang buwan sa media conference ng ‘In Thy Name’ ay ang totoong dura ni Mon Confiado na umakap sa mukha ni McCoy de Leon.
Mabilis lang ito sa totoong eksena pero ang agaw pansin ay ang mala-John Cena na heel turn ni Mon sa pelikula kung saan hinila niya si McCoy sa pamamagitan ng pagkalawit ng daliri niya sa bibig nito.
Tila sanggol na walang kalaban-laban si McCoy kay Mon at ang kanyang batu-batong katawan.
Maaawa ka talaga sa dami ng bugbog at dugo ni McCoy dito bilang si Father Rhoel Gallardo ng Claret.
“Mayroong pwersa na parang gusto naming ituloy ito at maging engrande na hindi lang maliit na bagay. Hindi ito maliit na bagay,” sey ng Kapamilya actor.
Bagama’t ang aktor na nakilala bilang si David ng Batang Quiapo ang siyang bida, hindi pahuhuli sa screen time at aktingan sina JC De Vera at Mon na gumanap bilang lider ng mga Abu Sayyaf.
Halos pantay lang kasi ang screen time ng grupo ng hostages at mga bandido.
Tumatak din ang maikling pagganap nina Aya Fernandez at Jerome Ponce na pawang mga bihasa sa ‘mata-mata school of acting’.
Amazing ang prosthetics, gunfight, at literal na umaapoy na scenes ng newest movie na ito ni Ceasar Soriano na mapapanood in cinemas nationwide. Trixie Dauz