Home NATIONWIDE Moon sighting itinakda sa Peb. 28 sa pagtukoy sa pagsisimula ng Ramadan

Moon sighting itinakda sa Peb. 28 sa pagtukoy sa pagsisimula ng Ramadan

MANILA, Philippines – Itinakda ang moon sighting sa Biyernes, Pebrero 28 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para tukuyin ang pagsisimula ng Ramadan.

Sinabi ng BARMM local government unit na pangungunahan niĀ Bangsamoro Mufti Sheikh Abdulrauf A. Guialani ang moon sighting event.

Ang Ramadan ay inaanunsyo kapag ang unang quarter ng new moon ay nakita na sa mata.

Regular na nagkikita ang mga religious scholar para matukoy ang mga eksaktong petsa.

Ang Ramadan ay isang month-long fasting at prayer tradition ng mga Muslim sa buong mundo.

Naghahanda naman, anang BARMM LGU, ang Bangsamoro community para sa Ramadan, isang sagradong buwan ng fasting, prayer, at spiritual reflection.

“May we be blessed with a month filled with spiritual growth, patience, and immense rewards,” pahayag ng Bangsamoro Darul-Ifta’, Islamic advisory council. RNT/JGC