Home METRO Most Wanted na gun-for-hire sa Calabarzon, arestado sa Quezon

Most Wanted na gun-for-hire sa Calabarzon, arestado sa Quezon

267
0

QUEZON, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang pinaghihinalaang gun-for-hire matapos ang isang manhunt operation sa Barangay Masalukot II nitong Martes ng umaga, Disyembre 9.

Ang suspek na kinilalang si Vic, 64 taong gulang, ay itinuturing na No. 1 Most Wanted Person sa rehiyon ng Calabarzon dahil sa umano’y pagkakasangkot sa tatlong pagpatay sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa pulisya, si Vic ay naaresto sa bisa ng mga warrant of arrest para sa dalawang kaso ng murder at isang kaso ng homicide na inilabas ng mga korte sa Lucena City, Quezon noong Hulyo 15, 2022; Enero 5, 2024; at Mayo 7, 2024.

Iniuugnay ang suspek sa tatlong insidente ng pamamaril na nangyari noong Setyembre 17, 2021; Nobyembre 3, 2022; at Hulyo 19, 2023 sa Quezon province.

Lahat ng kanyang mga biktima ay nasawi.

Pinuri naman ng pulisya ang mga operating unit na nagsagawa ng operasyon dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here