THE HAGUE – May naging sagot si Presiding Judge Iulia Motoc sa naging pahayag ng abogado ni Duterte na si Salvador Medialdea na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nahaharap sa “debilitating medical issues.”
Ani Medialdea, ang medical issues na ito ang dahilan kung bakit hindi epektibong makakalahok si Duterte sa pagdinig sa International Criminal Court.
Sa kabila nito, sinabi ni Motoc na pagdating pa lamang ni Duterte sa ICC ay sinuri na siya ng mga doktor.
Ayon sa court doctor, nakita umano nila si Duterte na “fully mentally aware and fit” para dumalo sa pagdinig. RNT/JGC