MANILA, Philippines – Dumating sa International Criminal Court sa The Hague si Vice President Sara Duterte ilang oras bago ang pagharap ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tribunal sa mga kasong may kinalaman sa crimes against humanity sa kanyang war on drugs.
Kasama ng Bise Presidente sina dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque, listed ICC counsel; at Senador Robinhood Padilla.
Nakita ang mga ito na visitors’ entrance ng ICC ilang oras bago ang appearance ni Duterte sa korte.
Humiling ng distansya si Duterte sa mga mamamahayag upang magawa umano nila ang kanilang trabaho at sinabing magpapaunlak naman ito ng panayam sa mga susunod na panahon.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na humarap si Roque sa publiko matapos magtago nang maiugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators sa Pilipinas, partikular ang umano’y kaugnayan sa Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Samantala, binalak pa sana ng kampo ni Duterte na ipagpaliban ang pagdinig ng ICC.
Ayon kay Roque, si Executive Secretary Salvador Medialdea pa lamang ang tanging abogado na kinikilala ng ICC sa kasong ito.
Sa kabila nito, sinabi ni Roque na humiling na sila na isama siya at ang isang British lawyer.
“So ipagpaliban niyo na ngayon kasi di pa namin nakikita ang dating presidente. Buong araw kahapon, hindi siya nakita dahil umano binigyan siya ng medical examination,” sinabi ni Roque.
“I don’t know if I can be registered in time for the hearing today, but in addition to the postponement, if I am recognized today, and I’m not sure yet because we just did all the papers today, I will also bring the issue of the illegality of the arrest, of the arrest of the former president, that should lead to the court losing its jurisdiction,” dagdag pa niya. RNT/JGC