Home NATIONWIDE Motor taxi sinuspinde ng LTFRB

Motor taxi sinuspinde ng LTFRB

MANILA, Philippines – SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang kilalang motorcycle taxi na Move It.

Batay sa inilabas na kautusan ng nasabing ahensya, ito ay bunsod ng panibagong paglabag ng Move It hinggil sa dami ng kanilang mga riders nito.

Paliwanag ng LTFRB na bagama’t pasok ang 14,000 current riders ng Move It sa 15,000 cap na inilatag ng technical working group sa bawat moto taxi company, hindi naman isinasama sa bilang ng Move It ang reports hinggil sa mga reactivation at deactivations ng mga riders nito.

Nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration (MR) o apela ang ride hailing at motorcycle taxi company na Move-It.

Kaugnay nito, mistulang nagbanta ng protesta ang grupo dahil kung hindi daw sila mapapagbigyan sa kanilang apela ay mapipilitan silang dalhin sa kalsada ang kanilang hiling.

Matatandaang hindi lang ito ang unang beses na nakaladkad sa eskandalo ang motor taxi na Move It.

Una nang kinondena ang Move It ng publiko dahil sa samu’t saring aksidente na kinakasangkutan nito, gayundin ang magaspang na ugali ng mga riders nito sa kalsada kung saan pawang mga nag viral pa sa social media ang mga videos ng mga ito. RNT