ILOCOS SUR-Sugatan ang isang 49-anyos na mister samantalang patay ang 44-anyos na misis nito matapos na dumayb sa bangin ang kanilang motorsiklo sa Brgy. Tiagan, San Emilio ng lalawigang ito kahapon, December 15.
Ayon sa San Emilio Municipal Police Station ang driver ng Rusi motorcycle at ang misis nito ay residente
Nabatid na ang naturang motorsiklo ay bumibiyahe sa pababang bahagi ng kalsada papuntang Sitio Cangao nang bigla itong magkaroon ng mechanical failure/brake failure hanggang sa mahulog sa bangin.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang biktima na agad na isinugod sa Candon General Hospital.
Gayunman, ang ginang ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso